Calendar
Metro
2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Melnie Ragasa Jimena
Jul 10, 2026
233
Views
NAARESTO ang dalawang magkaibigan dahil sa pagnanakaw ng cellphone ng tulog nilang kapitbahay sa Novaliches, Quezon City noong Huwebes.
Kinilala ni QCPD director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga suspek na sina alyas Bryan, 24, at Shan, 19.
Natutulog ang biktima sa bahay dakong alas-6:30 ng umaga ng tangayin ng dalawa ang Apple iPhone 12 Pro na nagkakahalaga ng P75,000.
Nasaksihan ng isang residente sa loob ng bahay ang insidente ngunit hindi na umano pumalag para sa sariling kaligtasan at humingi ng tulong sa mga pulis.
Nadakip ang dalawang suspek bandang alas-2:00 ng hapon sa Sta. Barbara St., Brgy. Gulod at kinasuhan ng pagnanakaw sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

