Calendar
Metro
250 gramo ng Kush nasamsam sa 2 lalaki sa Parañaque
Edd Reyes
Aug 23, 2026
147
Views
KALABOSO ang napala ng dalawang lalaki na nakuhanan ng 250 gramo ng high grade Kush na nagkakahalaga ng P375,000 noong Linggo sa Parañaque City.
Arestado sina alyas Paul at Mikko, parehong 24-anyos, ng pasukin ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Daang Batang St., Brgy. Moonwalk matapos tanggapin ang markadong P1,000 sa pulis na nagpanggap na buyer.
Sinabi ni Paranaque police chief P/Col. Nicolas Piñon na umabot sa 250 gramo ng Kush na nagkakahalaga ng P375.000 ang nakuha sa 2 suspek.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

