Calendar
Kush, shabu nakuha sa 3 lalaki
NALAMBAT ng mga pulis ang tatlong suspek sa kalakaran ng ilegal na droga na nasamsaman ng mahigit P1.2 milyon na halaga ng shabu at 60 gramo ng Kush sa Dapitan St., Brgy. 515, Zone 51, Sampaloc, Maynila noong Sabado.
Nakilala ang suspek nasina alyas Ruth, 35, na high value individual; Mon, 27; at Lan-Lan, 28, ayon sa kay Police Lieutenant Colonel Bryan Sagayadoro, hepe ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4.
Nahuli ang tatlo sa buy-bust sa pamumuno ni PCapt. Renmar Clifford Raval at nakumpiska ang 182 na gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P1,237,600, humigit-kumulang 60 gramo ng Kush na may halagang P80,000, 1 P500 bill at 5 pekeng P1,000 boodle money.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay dadalhin sa Manila Police District Forensic Unit (MPDFU) para sa pagsusuri.

