Pic

27 sugatan sa gumuhong building sa Angeles City

Bernard Galang May 24, 2026
419 Views

Pic1Pic2ANGELES CITY, Pampanga — Malubhang nasugatan ang 27 katao at hindi pa alam kung may namatay, habang naharangan din ang dalawang major roads sa siyudad na ito nang gumuho ang 10-palapag na gusaling itinatayo sa Barangay Balibago noong Linggo ng madaling araw.

Aalamin pa ng mga otoridad kung may mga na-trap sa ilalim ng mga guho ng gusali.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jess Mendez, isinugod sa Ospital Ning Angeles ang mga injured sa pagguho na naganap bandang alas-3:45 ng madaling araw sa kanto ng Oak at Teodoro Streets.

Ayon sa tindera sa harap ng construction site, nakarinig siya ng malakas na ugong ilang sandali bago bumagsak ang estruktura. Pansamantalang nawalan ng malay ang tindera.

Nang siya ay magkamalay, nakita na lamang niya na tuluyang gumuho ang gusali at nagkalat ang mga debris sa magkabilang kalsada.

Rumesponde ang mga pulis upang i-secure ang lugar habang ipinadala rin ang mga bumbero at emergency medical teams upang tumulong sa rescue at emergency operations.

Nagpapatuloy ang search and rescue operations hanggang sa unang bahagi ng umaga. Hindi pa natutukoy ng mga imbestigador ang sanhi ng structural failure.

Sinabi rin ng mga opisyal na nananatiling hindi pa tiyak ang posibleng bilang ng mga nasawi at lawak ng pinsala sa ari-arian.