Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang mga naarestong suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Quiapo Manila. JONJON C. REYES
3 laglag sa Quiapo buy-bust; P108K shabu nakumpiska
TIMBOG ang tatlong katao na pinaniniwalaang sangkot sa pangangalakal ng ilegal na droga sa Quezon Blvd. sa Brgy. 394, Quiapo, Manila noong Linggo.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Espi, 53; Baby at Zandra, ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14.
Bandang alas-10:03 ng gabi nahuli ang tatlo sa buy-bust ng mga pulis sa pamumuno ni P/Lt. Cleveland Mananghaya at PSSg Joseph Paragatos na nagsisilbing poseur-buyer.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 matapos makumpiska sa kanila ang mahigit 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.
Samantala, natiklo rin ang 21-anyos na tricycle driver dahil din sa kasong paglabag sa RA 9165.
Nakilala ang akusado sa alyas Ivan Joseph, ayon sa ulat ni Police Captain James Dumangas ng Warrant Section na isinumite kay P/Lt. Col. Arwen Nacional.

