Babaeng negosyante timbog sa bouncing checks
Nov 8, 2026
8 kulong sa Candon dahil sa illegal gambling
Nov 8, 2026
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Calendar
Metro
Karpintero dedo matapos tinambangan sa tindahan
Jon-jon Reyes
Aug 5, 2025
457
Views
DEAD-on-the-spot ang karpintero nang barilin sa tindahan sa Block 1, Gasangan Baseco compound, Port Area, Manila noong Martes.
Nakilala ang biktima na si alyas Walter, 51, ayon sa report.
Naaresto ang dalawang suspek ng mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 na sina alyas Mart, 34; at Jonathan, 34.
Base sa report ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander ng Baseco Police Station 13, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa likod ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Inaalam pa nila Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang motibo sa pagpatay ng dalawang suspek sa 51-anyos na karpintero sa Baseco compound, Port Area, Manila.
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Pagpapatupad ng UPDWIS suportado ng QC PDAO
Nov 7, 2026
Sunog sumiklab sa Tondo; 140 pamilya naabo bahay
Nov 7, 2026

