Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Saksak Source: File photo ni NEIL LOUIS TACORDA TAYO

Estudyante nakaligtas sa saksak, sapak ng 16-anyos

304 Views

SUGATAN ang 17-anyos na estudyante matapos suntukin at saksakin ng isang suspek habang naglalakad sa Quezon City noong Biyernes.

Nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 16-anyos na suspek.

Ayon kay Kamuning Police Station (PS 10) chief P/Lt. Col. Leonie Ann Dela Cruz, alas-2:30 ng hapon pauwi na mula sa paaralan ang biktima nang bigla itong lapitan at sinuntok ng suspek sa likod ng ulo at saka pinagsasaksak.

Nagawang makaiwas ng biktima subalit natamaan ito ng patalim sa kaliwang kamay.

Nakatakas ang sugatang biktima at agad na nagsumbong sa kanilang barangay na siya namang nagreport sa PS 10.

Nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng PS 10 sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa barangay at naaresto ang suspek.

Sinampahan ng kasong attempted murder ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office at itinurn-over sa Molave Shelter sa Brgy. Payatas, Quezon City.