Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Isko

Bakuna Eskwela pinangunahan ni Mayor Isko, VM Chi

Edd Reyes Aug 5, 2025
228 Views

NANGUNA sina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa “Bakuna Eskwela” noong Martes sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Manila.

May hashtag na #Bakuna ISKOol, layunin nito na mabakunahan ang mga batang nasa Grade 1, 2 at 7 upang mabigyan ng proteksiyon sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria at Human Papillomavirus o HPV.

Nilinaw naman ng alkalde na ang inilunsad nilang bakunahan ngayong Agosto 5, ay isang simbolikong pagbubukas ng kampanya sa pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Maynila.

“This is the day that we are going vaccinate 54,000 more of less na mga batang Maynila sa lungsod, lalu na yung mga estudyanteng kababaihan,” pahayag ni Mayor Isko.

Ayon pa sa alkalde, nagagalak siya dahil sa kabila ng kakulangan nila ng mapagkukunan, may mga nagiging ka-partner naman sila na tumutulong tulad ng Department of Health (DOH) sa kanilang layuning protektahan ang mga batang Maynila laban sa mga sakit.

Umaasa ang alkalde na sa mga susunod na araw, marami pang mga magulang at estudyante ang lalahok sa programa lalu na’t may apat silang kababayan na nasawi sa leptospirosis.