Batangas

3 suspek sa pagpatay huli sa hot pursuit ops

164 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City — Tatlong suspek sa pagpatay ang naaresto ng mga pulis noong Biyernes sa Padre Garcia, Batangas.

Ang biktima, isang 39-anyos na lalaki, ayon kay Batangas police director P/Col. Meliton Salvadora, Jr., ay kinilalang si alyas Er.

Nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga tauhan ng Padre Garcia police noong Sabado na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jazz, 48; Ed, 45; at Ceto, 48.

Si alyas Jazz ay nahuli sa Rosario, Batangas habang ang dalawa pang suspek ay nahuli sa Padre Garcia, Batangas.

Base sa imbestigasyon, noong April 10 bandang alas-9:00 ng umaga iniulat ng live-in partner ng biktima na nawawala si Er matapos huling makita noong Abril 8.

Sa paghahanap, natagpuan nila ang mga personal na gamit ng biktima sa pagawaan ng uling kasama ang sirang cellphone at isang pares ng itim na tsinelas.

Ini-report ang insidente sa mga awtoridad na nagresulta sa paghuhukay at pagkuha ng bangkay ng biktima mula sa lugar.