suspek Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang mga suspek na natimbog dahil sa ilegal na droga. Kuha ni JonJon Reyes

3 suspek sa pangangalakal ng droga, solvent timbog

Jon-jon Reyes Aug 2, 2025
387 Views

ARESTADO ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga ng mga otoridad ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 at nasamsam ang galung-galong solvent at 15 gramo ng shabu sa Block 15, Babuyan, Baseco compound, Brgy. 649, Port Area, Manila noong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Joanna, 38; Ryan, 40; at Tatay, 57.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Baseco police station, bandang alas-2:00 ng madaling araw ng mahuli ang mga suspek.

Nahuli ang mga suspek ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Lt. Mark Jason Ramos.

Nakuha sa mga suspek ang 15.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P105,400 at ilang galon.

Napag alaman ng pulisya na ang mga nakumpiskang galon naglalaman ng mga walang kulay na likidong substance na pinaghihinalaang mga volatile substance na “toluene” na kilala bilang “solvent.”

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga nahuli.