Calendar
Kinakausap ni Police Major Edward Samonte ang suspek na nagpanggap na miyembro ng MTPB matapos na arestuhin ng mga pulis at tunay na MTPB personnel. Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
Pekeng taga-MTPB pinosasan habang nagmamando sa paradahan
Jon-jon Reyes
Aug 2, 2025
343
Views
ARESTADO ang lalaki na nakasuot ng uniporme ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nagmamanado ng parking area sa Mel Lopez Boulevard, Brgy. 101, Tondo, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si alyas Marc, 39, ayon kay Police Major Edward Samonte.
Bandang alas-10:25 ng umaga ng damputin nina Ma. Monalita Silvano at Jan Rodel Poe, mga tunay na miyembro ng MTPB, ang suspek sa naturang lugar.
Inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Art. 177 (Usurpation of Authority and Official Functions).
Nilapitan ng mga arresting officer ang suspek at nagpakilalang mga MTPB traffic enforcers na nakatalaga sa lugar. Nang hilingin na magpakita ng pagkakakilanlan, walang maibigay ang suspek kaya tinuluyan siyang arestuhin.
PBBM veggies ipinamigay sa Pasay
Apr 19, 2026
3 kritikal matapos sumalpok jeepney sa poste sa QC
Apr 19, 2026
1 sa kambal todas, 3 sugatan sa banggaan ng motor
Apr 18, 2026
Lider ng CTG naaresto sa bus sa Pasay
Apr 18, 2026

