Raid Ang mga nasagip na mga biktima sa Porac, Pampanga kung saan tatlo ang naaresto ng mga ahente ng NBI.

3 tiklo sa Illegal surrogacy agency sa Pampanga

Jon-jon Reyes Jun 11, 2026
99 Views

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang tatlong suspek sa illegal surrogacy agency sa Porac, Pampanga nasagip ang 15 biktima.

Ayon sa reklamo, ang mga babaeng ay binayaran upang magbuntis at isuko ang kustodiya ng ipapanganak sa mga prospective na magulang.

Batay sa reklamo, nagsagawa ang NBI-HTRAD ng verification sa Department of Health at napatunayan na hindi lisensiyado ang surrogacy agency.

Natuklasan din ng mga operatiba ang pangalawang pasilidad sa Porac, Pampanga na tirahan ng mga biktima na puro mga buntis.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na matatag ang kanilang misyon na labanan ang human trafficking at lahat ng uri ng pagsasamantala.

“Walang indibidwal ang dapat ituring bilang isang kalakal o pagsasamantalahan dahil sa kanilang mga kalagayan,” sabi ng NBI chief.