Suspek Iniharap ni PLt. Col. Rommel Anicete ang drug suspek na nahuli sa Baseco, Port Area, Manila.

35 gramo ng shabu nakuha sa nahuling drug suspek

Jon-jon Reyes Aug 7, 2026
52 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang babaeng na nakumpiskahan ng 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P238,000 sa Block 18, Baseco compound, Port Area, Manila noong Huwebes.

Ang suspek, si alyas Ilong, 54, na classified bilang high value individual, ayon sa report.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, bandang las-11:03 ng gabi nahuli ang suspek sa pamumuno ni PLt. Mark Jason Ramos.

Nasamsam ang limang computer-generated na P1,000 note na marked money, apat na plastic sachet na puno ng shabu na nagkakahalaga ng P238,000 mula sa suspek.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek na ihahain sa Manila City Prosecutor’s Office.

Nahuli ang suspek sa tulong nina PSSg Kevin Tan, PSSg Rhusvelt Kenneth Gatbonton at Pat Jayvoi Farrales na tumulong din sa pagtiyak ng seguridad sa lugar habang isinasagawa ang pagmamarka at imbentaryo.