Kabaong Source: QCPD-PIO

Metro Manila ‘binaha’ ng kabaong

66 Views

Kabaong1

Kabaong2
Source: QCPD-PIO

GINULANTANG ang mga residente at otoridad ng mga kabaong na nagkalat sa iba’t ibang parte ng Maynila.

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakadiskubre sa mga iniwang kabaong sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila Biyernes ng madaling araw.

Sa opisyal ng pahayag ng tanggapan ni NCRPO Director P/BMGen. Anthony Aberin kabilang sa lungsod sa Metro Manila na may nakitang inabandonang mga kabaong ang Maynila, Caloocan City, dalawa sa Quezon City, at isa sa Makati City.

Habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw, ikinalat ang mga kabaong sa Sta Cruz sa Maynila, Brgy. 54 sa Caloocan City, Brgy. South Triangle at Brgy. Sta Teresita sa Quezon City, at sa Gil Puyat sa Makati City.

Pawang naglalaman ng ng mga mensahe laban sa CPP-NPA at China ang nakalagay sa mga kabaong, bukod sa larawan ng dalawang indibiduwal na tila nagpapahiwatig ng pagbabanta.

Iniutos na ni Aberin ang ang masusing pagsisiyasat na insidente, kabilang ang pagsasagawa ng forward at backtracking sa kuha ng mga CCTV sa mga lugar kung saan iniwan ang mga kabaong.

Nanawagan din si Aberin sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at sa halip ay i-report kaagad sa pulisya kung may mapapansin silang kahinahinalang kilos ng mga indibiduwal.

Tinawag ding karuwagan ng NCRPO chief ang ginawang pagpapakalat ng mga kabaong at tiniyak na hindi sila titigil hangga’t hndi naaaresto ang mga may kagagawan upang masampahan ng kaukulang kaso.

Ayon sa paunang imbestigasyon natagpuan ang mga inabandonang kabaong sa Sta. Cruz, Manila; Brgy. 54, Caloocan City; Brgy. South Triangle at Brgy. Sta. Teresita sa Quezon City; at Gil Puyat, Makati City.

Samantala, bumuo na ang Quezon City Police District (QCPD) ng Special Investigation Team (SIT) para matukoy ang mga responsable na nag abandona dalawang kabaong sa magkaibang lugar sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa QCPD, nadiskubre ang mga kabaong sa Boy Scout Circle sa Barangay South Triangle at Welcome Rotunda sa Barangay Sta. Teresita.

Agad na sinuri ng mga rumespondeng pulis ang mga kabaong at napag-alamang mga nilamukos na papel lamang ang laman ng mga ito.

Isinailalim na sa kustodiya ng pulisya ang mga kabaong para sa karagdagang forensic examination.

Inatasan na ng QCPD ang SIT na tukuyin ang mga salarin, alamin ang motibo sa insidente at matukoy ang sasakyang ginamit sa pag-iwan ng mga kabaong. Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa mga establisimyento sa lugar upang matukoy ang pinagmulan ng mga narekober na kabaong.

Hinikayat ng QCPD ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at makipagtulungan sa awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang mahalagang impormasyon sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, E911, o QC Helpline 122. Nina EDD REYES & MELNIE RAGASA-JIMENA