Calendar
Sinabi ni PLT.Col.Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco PS13 na nahaharap sa kasong adultery ang inarestong misis at ang kanyang umano’y kalaguyo. JONJON C. REYES
Mister pinaaresto misis, ‘bf’ matapos mahuling nagtatalik
INARESTO ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station ang isang misis at ang kanyang umano’y kalaguya indibidual dahil sa kasong pakikiapid matapos magsumbong at ireklamo ng isang mister ang kanyang misis na nahuli nitong nakikipag talik sa ibang lalaki sa Blk. 14 New Site, Lot 33, BASECO Compound, Brgy. 649, Port Area, Maynila.madaling araw ng huwebes,.
Nakilala ang misis na si alyas Shiela,30, tubong Leyte, may asawa, at residente ng Baseco Compound, Bgy. 649, Port Area, Maynila.
Himas rehas din ang umano’y kalaguyo nito na si alyas Jhonrey 21, walang asawa, security guard, at residente ng Blk. 5 Extension, BASECO Compound, Port Area, Maynila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco PS13, bandang 4:50 ng madaling araw nang madiskubre ng nagreklamon mister na si alyas Arman, 35, tubong Albay), tindero, ang umano’y pakikiapid ng kanyang misis.
Una rito, nagsasagawa ng Police Visibility Patrol sina PSSg. Beverly P. Canlas at PSSg. Reuben F. Macalalad sa kahabaan ng Blk. 14, Brgy. 649, Port Area, Manila, nang lumapit sa kanila ang nasabing mister.
Ayon kay ‘Arman’, nahuli niya ang kanyang asawa na nakikipagtalik sa umano’y kalaguyo nito sa kanilang silid noong madaling araw ng Agosto 6, 2026.
Nagtungo ang mga rumespondeng opisyal at ang mister sa nasabing lugar at inaresto ang dalawang suspek.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek para sa paglabag sa Artikulo 333 ng Revised Penal Code o adultery na ihahain sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

