BBM1

3k trabaho malilikha sa paggawa ng NSCR system—PBBM

142 Views

TINATAYANG 3,000 trabaho ang malilikha sa konstruksyon ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati sa paglagda ng mga kontrata para sa SCRP, sinabi ni Pangulong Marcos na ang proyekto ay ang pagkakatotoo ng pagnanais ng mga Pilipino na magkaroon ng mabilis at maaasahang transportation system.

“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo aabot sa 800,000 pasahero araw-araw ang makikinabang sa proyekto kapag ito ay natapos.

“I am also happy to note that we are anticipating the generation of approximately 3,000 jobs once civil works for these sections begin,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Pinatututukan din ng Pangulo ang pagtulong sa mga pamilya na maaapektuhan sa pagtatayo ng proyekto.

“So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,” sabi pa ng Pangulo.

“These are the inevitable consequences of these large projects, but it is something that we have to go through if we are going to complete the projects as they have been designed and we will – to be able to reap the benefits in the longer term,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Nanawagan din si Pangulong Marcos na magsama-sama sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.

“I know that it is our collective longing to create a society that works for the people and that will open bigger opportunities for our children. So, let us all remain united in this endeavor as we pursue initiatives with the long-term end in mind,” wika pa ng Pangulo.

Ang proyekto ay popondohan ng national government, Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA).