Sunog

4 binawian ng buhay sa sunog sa Pasay

Edd Reyes Aug 21, 2026
181 Views

Sunog1

APAT ang kumpirmadong patay, kabilang ang tatlong taong gulang na bata, habang apat ang sugatan sa sunog na sumiklab Biyernes ng hapon sa Pasay City.

Hindi pa tinukoy ng mga tauhan ng Pasay Bureau of Protection (BFP) ang pagkakakilanlan ng mga biktima na isang lolo, isang lola, tatlong taong gulang na bata at kanyang tiyahin na pawang na-trap sa sunog na nagsimula dakong ala-1:35 ng hapon sa bahay ng mga nasawi sa Tengco St. Tramo, Brgy. 107 sa naturang lungsod.

Isinugod naman sa pagamutan ang apat na nasugatan, kabilang ang isang babae na nalapnos ang malaking bahagi ng katawan habang dalawa pang babae at isang lalaki ang nagtamo rin ng sugat.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na dulot umano ng sumabog na liquefied petroleum gas (LPG) na nakontrol dakong alas-3:04 ng