Dy

42 kongresista solid ang suporta para kay Speaker Dy

Mar Rodriguez Dec 12, 2025
147 Views

𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗢 ang suportang ibinigay ng tinatayang 42 miyembro ng Kamara de Representantes mula sa Southern Luzon at Bicol Region para sa pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Ito ang nilalaman ng manifesto of support na nilagdaan ng mga kongresista kung saan 28 ang kinatawan mula sa CALABARZON at MIMAROPA matapos nilang ipahayag na kailangan ng Kamara de Representantes ng isang matibay at may prinsipyong pamumuno.

Kinikilala din ng mga kongresista ang integridad, pananaw at commitment ni Speaker Dy saa pagtanggap nito ng kaniyang tungkulin para pamunuan ang Kamara bilang lider nito.

“Speaker Bojie Dy embodies the qualities that truly matter most in leadership, his steadfast dedication, sound judgement and unwavering sence of duty,” sabi ng mga mambabatas sa kanilang nilagdaang manifesto.

Sinabi naman ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na ipinakita ni Speaker Dy ang kakayahan nitong pakinggan ang karaingan ng lahat ng kongresista kasunod ang paggalang nito sa political stand ng sinomang mambababatas na katangian ng isang magaling at mahusay na “stateman”.

Ayon kay Madrona, napakahala na maging matatag ang pamumuno sa Kamara na kayang gawin ni Speaker Dy dahil sa kaniyang hindi matatawarang katangian.