Vargas

50 panukalang batas na isinulong ni QC Cong. PM Vargas pumasa sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Mar Rodriguez Apr 24, 2023
295 Views

IPINAGMALAKI ng isang Metro Manila congressman na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara de Representantes ang kaniyang isinulong na 50 panukalang batas na naglalayong tulungan ang hikahos na pamumuhay ng mga Pilipino at kasalukuyang nakasalang na ngayon sa Senado para tuluyan ng itong maging isang ganap na batas.

Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Congressman Patrick Michael “PM” Vargas na ang mga panukalang batas na inihain niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay naglalayong mapabuti ang naghihikahos na pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nila ng isang maayos na kabuhayan.

Nabatid kay Vargas na kabilang sa panukalang batas na ipinasa ng Kamara de Representantes na makakatulong ng malaki para sa mga mahihirap na mamamayan ang House Bill No. 1680 o ang National Apprenticeship Program. Nilalayon nito na matugunan o ma-address ang tinatawag na “job-mismatch” para sa mga naghahanap ng trabaho o sa labor sector.

Inihayag din ni Vargas na kabilang din sa mga panukalang batas na inakda nito ay ang House Bill No. 7370 o ang The Creation of a Tripartite Council to Address Unemployment, Underemployment and the Job Skill Mismatch in the Country. Nilalayon din nito na matugunan ang kawalan ng trabaho para sa mGa Pilipino partikular na sa mga estudyante na nagtapos lang o kaka-graduate pa lamang.

Binigyang diin pa ni Vargas na pinakamahalaha para sa isinusulong na pag-unlad ng bansa ang human resources lalo na ang mga kabataan o youth. Kaya ito aniya ang dahilan para ihain naman niya ang House Bill No. 0673 o ang Philippine Entrepreneurs Academy na naglalayong ihanda ang mga kabataan para sa isang “technical vocational non-degree courses para makapag-patayo ng kani-kanilang sariling negosyo ang mga kabataan.

“As a legislator. I hope for every Novaleno and every Filipino to be active participants in the socio-economic development instead of being dependents. I wish for every citizen to feel that the government is ready to support them to pursue their aspirations not only on an individual level but also on a national scale,” sabi ni Vargas.

Umaasa ang QC congressman na agad na maisasabatas ang 50 panukala na napa-pending ngayon sa Senado para matulungan ang mga mahihirap na mamamayang Pilipino.