Tagumpay ng Kamara ibinida ni Speaker Bojie Dy
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026
Calendar
Provincial
500 gramo ng shabu nakuha sa welder
Jojo Cesar Magsombol
Mar 15, 2025
532
Views
ARESTADO noong Biyernes ang welder sa buy-bust sa Brgy. 7, Cuenca, Batangas at nakuha mula sa suspek ang 500 gramo ng shabu na may halagang P3.4 milyon.
Bandang alas-3:10 ng hapon nasakote ang suspek at nasamsam sa kanya ang volume ng ilegal na droga.
Nakuha rin ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P300,000, isang cellphone, timbangan, at iba pang ebidensya.
Ang suspek kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas Police Provincial Office (PPO) at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay P/Col. Jacinto Malinao Jr., hepe ng Batangas police.

