Calendar
5th Tokyo Immigration Forum dinaluhan ng BI team
DUMALO ang delegasyon ng Pilipinas sa Bureau of Immigration (BI) sa ginanap na 5th Tokyo Immigration Forum noong Disyembre 10-12 sa Tokyo, Japan.
Pinangunahan ng Immigration Services Agency of Japan ang forum na dinaluhan ng mga awtoridad sa imigrasyon mula sa mahigit 20 bansa.
Pinamunuan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang delegasyon ng Pilipinas at nagbigay sila ng pahayag sa plenary session hinggil sa mga bagong hakbang sa imigrasyon.
Tinalakay ni Viado ang mga magkakaparehong hamon na kinakaharap ng mga image0-2.jpeg
awtoridad sa imigrasyon sa buong mundo, kabilang ang irregular na migrasyon, human trafficking, transnational crime at mga umuusbong na banta sa seguridad ng hangganan.
“Mga hamon ito na hindi kayang tugunan ng isang bansa lamang. Sa pamamagitan ng mga forum na gaya nito, nakakapag-ugnayan tayo, nakakapagbahagi ng kaalaman at nakakapagtatag ng mga sistemang panghangganan na ligtas, mahusay at makatao,” sabi ng BI chief.
Kabilang sa mga pangunahing inisyatibo ng BI ang pagpapatupad ng Advance Passenger Information System (APIS), pagpapalawak ng electronic gates at biometric systems sa mga pangunahing pantalan, pagtatatag ng nakalaang OFW Wing sa NAIA Terminal 3, paglulunsad ng Cruise Visa Waiver Program at patuloy na pagpapatupad ng mga online services sa pamamagitan ng BI eServices at ng eTravel platform ng pamahalaan.
Tinalakay din sa forum ang mga pinakamahusay na sistema sa recruitment at human resource development para sa mga immigration officer, pamamahala sa kalusugan at kalinisan ng mga detainee at ang hinaharap ng border control sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya at digitalisasyon.
Tinanggap ng BI ang mga kinalabasan ng forum at nagpahayag ng suporta sa papel nito bilang mahalagang plataporma para sa patuloy na pandaigdigang kooperasyon.

