Just In

Calendar

November 2026
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Suspek

6 huli sa pagpatay ng pulis Batangas, Paranaque

788 Views

INARESTO ng mga pulis-Batangas at Paranaque ang anim na pinaghihinalaang sangkot sa pagpatay sa isang lalaki at malubhang nakasugat sa kasama nito sa Entertainment City, Brgy. Tambo, Parañaque, Rizal noong Sabado, ayon sa report kay Batangas police director P/Col.Jacinto R. Malinao, Jr.

Sinabi ng Tanauan City police na kinilalang si alyas LJ ang isa sa mga inarestong suspek.

Bandang alas-12:30 ng tanghali inaresto ang anim ng pinagsamang tauhan ng Tanauan City police sa pangunguna ni PLt. Col. Virgilio Jopia.

Ayon sa mga pulis, ang mga inaresto ang nasa likod ng pagpatay kay John Mark Cruz Samonte, alyas Michael Angelo John Tengco De Guia.

Muntik ding mamatay ang live-in partner ng biktima na si Marithe Ashley Glor Tila pero nakaligtas at nagkaroon ng malubhang injury.