BFAR

6 lugar may red tide– BFAR

520 Views

ANIM na lugar sa bansa ang positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) lagpas sa regulatory limit ang toxic red tide sa mga sumusunod na lugar:

– coastal waters ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal);

– coastal waters ng Milagros sa Masbate;

– coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

– Litalit Bay, sa San Benito, Surigao del Norte; at

– Lianga Bay sa Surigao del Sur

Nagbabala ang BFAR laban sa pagkain ng mga shellfish na nakukuha sa mga nabanggit na lugar.

Maaari naman umanong kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango sa mga lugar na ito.