Tan

Misamis Occ Gov. Tan suporta kay Mayor Sara

209 Views

ISA pang gubernador ang nagpahayag ng pagsuporta sa vice presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Misamis Occidental Governor Philip Tan na 100 porsyento ang kanyang ibibigay na suporta kay Duterte kasama ang iba pang opisyal ng probinsya.

Ayon kay Tan matagal na nitong kakilala si Duterte at kanyang nasaksihan ang kalibre ng kanyang pagtatrabaho kaya siya ang dapat na iboto.

“She is strong-willed. She has political will. She is sincere and committed to public service,” sabi ni Tan.

Noong 2019 ay ibinoto ng Misamis Occidental ang mga kandidato ng Hugpong Ng Pagbabago na ikinampanya ni Duterte. Sa darating na eleksyon ay pipilitin din umano nila itong maulit sa mga kasamang senatorial candidate ni Duterte.

“We will do our best to replicate the 2019 elections 12-0 votes for senatoriables under the UniTeam,” he said.

Nagpasalamat naman si Duterte sa pagsuporta sa kanya ng probinsya.