Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Metro
6 minor na sangkot sa pagpatay sa 14-anyos hawak ng pulisya
Peoples Taliba Editor
Sep 17, 2022
694
Views
HAWAK na ng pulisya ang anim na minor de edad na sangkot umano sa pagpatay sa 14-anyos na lalaki sa Quezon City.
Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa tapat ng isang supermarket sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City nang sugurin sila ng grupo ng mga suspek.
Isa umano sa mga suspek ang sumaksak sa biktima. Dinala ang biktima sa Delos Santos Medical Center subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang Galas Police Station (PS 11) at sa tulong ng kuha ng CCTV sa lugar ay nakilala ang mga suspek.
Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa City Social Welfare and Development (CSWD) dahil mga minor de edad ang mga suspek.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026

