Germino Ang mugshots ng anim na nasakote ng mga pulis dahil sa iba’t-ibang krimen sa Nueva Ecija noong Lunes.

6 na suspek sa krimen nalambat sa Nueva Ecija

Steve A. Gosuico Nov 12, 2024
102 Views

CABANATUAN CITY–Bumagsak sa kamay ng Nueva Ecija police ang anim na suspek sa iba’t-ibang kaso noong Lunes.

Sa Talugtug, nasakote dakong alas-7:30 ng umaga ang 53-anyos na obrero dahil sa slight physical injuries.

Bandang alas-9:00 ng umaga, nahuli ang 52-anyos na welder dahil sa kasong attempted murder.

Natimbog naman ng General Natividad police sa Sto. Domingo ang lalaking may warrant of arrest dahil sa kasong homicide.

Nasakote ng General Tinio police ang 74-anyos na lalaki dahil sa kasong estafa thru falsification of public documents.

Bandang aas-10:15 ng umaga natiklo ng Palayan City police ang isang magsasaka dahil sa kasong grave coercion.

Sa Laur, timbog ang 28-anyos na magsasaka sa kasong lascivious conduct.

“Pinapatunayan dito ang hindi matitinag na commitment ng Nueva Ecija police na siguraduhin na ang mga taong hinahabol ng batas pagbabayarin sa krimeng kanilang ginawa,” sabi ni Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino.