Sandoval

6M pasahero dumating sa PH noong 2022

22 Views

MAHIGIT sa 6 milyong pasahero ang dumating sa Pilipinas noong 2022, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na sa 6,125,841 pasahero na dumating nasa 3 milyon ang returning Filipino.

Karamihan umano ng dumating sa bansa ay galing sa Estados Unidos, Australia, Canada, at Japan.

Mayroon naman umanong 6,132,330 pasahero na umalis ng bansa.