DOH

989 naitalang bagong kaso ng COVID-19

420 Views

NADAGDAGAN ng 989 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa ngayong Huwebes.

Ayon sa Department of Health (DOH) umakyat na sa 3,664,905 ang bilang ng lahat ng nahawa ng COVID-19 sa bansa.

May naitalang 1,349 na gumaling at 34 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang, 50,458 ang aktibong kaso, 3,557,909 na ang gumaling, at 56,538 ang namatay.