DOH

Record low na bilang ng nahawa ng COVID-19 naitala

225 Views

NAITALA ngayong Biyernes ang pinakamababang bilang ng nahawa ng COVID-19 ngayong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) nadagdagan ng 853 ang bilang ng mga nahawa at umakyat ang kabuuang bilang nito sa 3,665,747.

Sa kasalukuyan, 50,230 ang aktibong kaso sa bansa

Umakyat naman sa 3,558,747 ang bilang ng mga gumaling nadagdagan ng 1,062. Nadagdagan naman ng 232 ang mga pumanaw at may kabuuan ng 56,770.