Calendar
Network winakasan kontrata sa podcast dahil sa komento kay Josh
TINAPOS ng The Pod Network ang kontrata nito sa podcast na Machong Chismisan kasunod ng matinding batikos sa mga komento ng mga host tungkol kay Josh Aquino, anak ni Kris Aquino, na nasa spectrum at itinuturing na PWD.
Sa pahayag ng network nitong Huwebes, Oktubre 15, sinabi nitong agad nang aalisin ang programa sa kanilang hanay. Nauna ring tinanggal sa mga podcast platform ang kontrobersiyal na episode na nagbunsod ng galit at pagkondena mula sa publiko.
Humingi naman ng paumanhin si host Makoy Pare, at kinilala niyang hindi mapapatawad ang kanilang mga pahayag dahil naging insensitive at nakasakit ang mga ito. Sinabi rin ng mga host na wala silang intensiyong manlait o manghamak, ngunit nanatiling matindi ang reaksyon ng mga netizen.
Mariin ding kinondena ni veteran television host Boy Abunda ang mga pahayag sa Fast Talk with Boy Abunda noong Oktubre 14. Ipinagtanggol niya si Josh at inilarawan bilang malupit ang pagtawanan ang isang batang walang kamalay-malay sa ginagawang panlalait sa kanya.
Hinimok din ni Abunda si Kris na isaalang-alang ang pagsasampa ng kaso laban sa mga host. Binanggit niya ang Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities, na naglalayong protektahan ang mga PWD laban sa diskriminasyon at iba pang paglabag sa kanilang mga karapatan.
Sa gitna ng kontrobersiya, nagpahayag din ng suporta ang ilang personalidad kay Josh at sa pamilya Aquino.
Samantala sa isang pahayag, humingi ng tawad si Tito P ng Machong Chismisan sa kanyag mga co-host, sa The Pod Network, at mga taong nadamay at naapektuhan ng mga nasabing komento.
Aniya sa pahayag, “Nakalulungkot, nakagawa ako ng mga pahayag na nakapanlalait kay Josh Aquino at nakasakit sa maraming tao na may kaugnayan sa kanyang kondisyon bilang isang taong nasa autism spectrum, pati na rin sa mga may mga mahal sa buhay na katulad niya.
Nakaka-relate ako sa kanya at sa mga apektado bilang isang taong na-diagnose din na neurodivergent. Bagama’t hindi nito nabibigyang-katwiran ang aking mga masasakit na salita o ang sumunod na tawanan, umaasa akong isasaalang-alang ng mga tao na hindi ako nagmula sa isang lugar ng malisya o nakasasakit na intensyon.
Bilang isang taong may ADHD, ang pagkontrol sa impulso ay maaaring magpahirap sa pagsala ng mga iniisip. Maaaring may pumasok na nakakainis na biro sa aking isipan, at bago pa masuri ng aking executive functioning ang panganib sa lipunan, nasabi ko na ito nang malakas. Ibinabahagi ko ito hindi para bigyang-katwiran ang aking pag-uugali, kundi para magbigay ng konteksto.hosts,The Pod Network and iba pang nadamay sa nasabing insidente.”
