Calendar
Mahigit 300 Las Piñeros nakinabang sa Family Planning Caravan
MAHIGIT 300 Las Piñeros ang nakinabang sa Family Planning Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng responsableng pagpapamilya at pangangalaga sa kalusugan ng bawat pamilya.
Pinangunahan ng City Health Office – Las Piñas, sa pamumuno ni Dra. Julie Gonzalez, ang programa kung saan nabigyang-kaalaman ang mga dumalo tungkol sa responsible parenthood at family planning, gayundin ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng contraceptive implants, pills, injectables, at condoms.
Sa naturang caravan na ginanap sa Golden Acres, Brgy. Talon Uno, humigit-kumulang 200 benepisyaryo ang nakatanggap ng progestin-only contraceptive implants na nagbibigay ng proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis sa loob ng hanggang tatlong taon.
Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor April Aguilar, patuloy na binibigyang-prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang pangkalusugan na nagbibigay sa bawat Las Piñero ng sapat na kaalaman at oportunidad na makapagpasya nang maayos at matalino para sa kanilang pamilya.

