Calendar
No. 7 MWP ng QCPD nasakote
NASAKOTE ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang No. 7 Most Wanted Person (MWP) na iniuugnay bilang lider ng Santos Criminal Gang at mino-monitor sa ilalim ng COPLAN: Foronda Robbery Group nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Arjay,” 26, residente ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.
Ayon kay QCPD director, P/BGen Christopher Olazo, isinagawa ang joint manhunt operation nitong Huwebes (Oktubre 22) ngg mga operatiba ng Fairview Police Station (PS 5), sa pamumuno ni ni P/Lt. Col John Glenn Siguan, katuwang ang Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni P/Lt. Col. Morgan Aguilar.
Naaresto ang suspek alas-7:30 ng gabi sa harap ng isang basketball court sa Spinach St., Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong carnapping na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 101, Quezon City.
Batay sa tala ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV), mayroon ding mga naunang pagkakaaresto sa suspek kaugnay ng mga kasong Theft noong 2021 at 2023, at Qualified Trespassing noong 2020.
Nasa kustodiya ng PS 5 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

