Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Felimon Cacap ang suspek sa pagnanakaw matapos matimbog ng MPD Delpan Police Station 12 sa Tondo, Manila.
Obrero arestado sa pagnanakaw sa Tondo
TIMBOG ng mga operatiba ng MPD Delpan Police Station 12 ang 26-anyos na binata dahil sa kasong pagnanakaw sa Purok 2, Isla Puting Bato, Brgy. 20, Zone 2, Tondo, Maynila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si alyas Rom, manggagawa sa konstruksyon, at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa report, bandang alas-11:50 ng tanghali ng mag-operate sina PLt. Rhett Nicdao at sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Felimon Cacap.
Nagresulta ito sa pag-aresto sa akusado. May inirekomendang piyansa na P100,000 kapalit ng temporary liberty ng suspek sa utos ni Judge Maria Lina Nieva Sabado Casaals, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 182, Maynila.
Gumamit ng dalawang mobile phones bilang alternative recording device ang pulisya sa pag-aresto sa suspek.
Ang nasabing akusado ay nakakulong sa pasilidad ng nasabing police station habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest sa hukumang naglabas nito.
