Bomb Threat Sinabi ni PMaj. Philip Ines na nagsagawa ng paneling ang mga operatiba ng MPD at EOD DECU sa paligid at loob ng UST dahil sa bomb threat sa banyo ng mga babae sa 2nd at 4th floor ng UST sa Sampaloc, Manila.

Bomb threat nakita sa CR ng mga babae sa UST

Jon-jon Reyes Oct 24, 2026
15 Views

Bomb Bomb1BINULABOG ng bomb threat ang University of Sto. Tomas at nabasa ang sulat sa toilet ng mga babae sa 2nd at 4th floor ng medicine building ng university sa España Boulevard, Sampaloc, Maynila noong Biyernes.

Ayon sa report kay Police Major Philip Ines, tagapagsalita ng MPD- PIO, natuklasan ang liham bandang alas-4:30 ng hapon ng housekeeper na si alyas Annalou, 42.

Rumesponde ang mga operatiba ng MPD Barbosa Police Station 14 sa pamumuno ni PLt. Bienvenido Cinco kasama ang apat niyang tauhan para i-kordon ang lugar.

Nilapitan ang housekeeper ng estudyanteng babae mula sa College of Rehabilitation Sciences (CRS) at sinabi na may sulat sa inidoro tungkol sa bombang inilagay sa paaralan.

“Warning. Bomb has been planted on sch premises. Further threats 4 bombs may occur during weekend when campus is less occupied. Threats: Med bldg main St. Raymund.”

Sinuri rin ng nag-ulat ang iba pang mga palikuran sa loob ng medicine building.

Ipinagbigay-alam ng nag-ulat sa mga tauhan ng seguridad ng unibersidad upang magsagawa ng kaukulang aksyon. Kasunod nito, iniulat din niya ang insidente sa himpilan ng pulisya.

Inutusan ng College Secretary ng College of Rehabilitation Sciences (CRS) ang mga tauhan ng seguridad na abisuhan ang mga estudyante at kawani ng paaralan na lisanin ang lugar.

Inabisuhan ang Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ng Manila Police District (MPD EOD/K9 Unit) upang magsagawa ng kaukulang aksyon.

Sa kasalukuyan, ang gusali ng Medicine (Medicine Building) ay nananatiling sarado at binabantayan habang hinihintay ang karagdagang pagsusuri at kaukulang hakbang.

Kamakailan, isang liham din ang natagpuan sa palikuran ng mga babaeng estudyante na matatagpuan sa loob ng University of the East, Dalupan Building no. 2219 C.m. Recto malapit sa kanto ng SH Loyola, Brgy. 404, Sampaloc, Maynila.