Calendar
Nahuling holdup suspek sa Makati sangkot sa murder, atbp.
TIMBOG ang isa sa riding-in-tandem na nangholdap at tumangay sa mga alahas ng babaing biktima Sabado ng madaling araw sa Makati City.
Naaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor si alyas Owa, 26, nang marinig ng nagpapatrulyang mga pulis ang sigaw ng 38-anyos na biktima na hinoldap ng mga suspek sa Metropolitan Avenue, Brgy. Bel Air, dakong alas-12:50 ng madaling araw..
Nakatakas naman ang kasama ni alyas Owa na magmamaneho ng motorsiklo.
Nabawi sa nadakip na suspek ang gintong kuwintas ng biktima na nagkakahalaga ng P20,000 at P15,000 halaga ng gold bracelet, pati na ang kalibre .38 revolver na tinangka pa niyang bunutin nang masukol ng mga pulis.
Nang maberipika ang katauhan ng nadakip na suspek, natuklasan na sangkot siya sa mga kasong pagpatay, pagnanakaw, ilegal na pagsusugal, at ilegal na droga.
