Pic

CHILD-FRIENDLY PROGRAM AWARDEE ANG MASAGANANG BUHAY

39 Views

Pic2GINAWARAN ng National Council for Children’s Television (NCCT) ang programang Masaganang Buhay bilang “Child-Friendly Television Program” Award dahil sa paghahatid ng “safe, educational, age-appropriate, and values-oriented” na programa sa bansa.

Ang NCCT, attached agency ng Department of Education (DepEd), ay nagsabing ang Masaganang Buhay ay napapahong programa na nagtuturo ng practical tips sa gardening, farming at sustainable living.

Mapapanood ang Masaganang Buhay, na hosted ni Mer Layson sa OnePH, Cignal TV, Channel 1 at RPTV ng TV-5. Napapanood din ito ng live sa Youtube at Facebook.

Ayon kay Mer Layson, “To God be the Glory” ang papuri at ang parangal ay kanyang ibinabalik sa Panginoon.

Malugod na nagpapasalamat si Layson sa kanyang pamilya.

Nagpapasalamat din si Layson sa lahat ng bumubuo ng Masaganang Buhay sa pangunguna ni Director Bing Cregencia, Icy Padua, Winona Sadia, Lalaine Rebuta, Jinson Ilmeng Batersal Manzano, Chap Suey, Jay-ar Tenorio, Xhy Loreto-Gallardo, Jastine Ronquillo at sa lahat ng staff ng Masaganang Buhay.

Nagpapasalamat din si Layson sa management ng OnePh Cignal TV at RPTV ng TV5.

Nagpapasalamat din si Layson sa lahat ng followers, advertisers at sumusuporta sa kanilang programa.

Si Layson ay isang Magsasaka sa Mexico, Pampanga, nag-self support student, naging reporter, kolumnista at TV host. Ang kanyang adbokasiya na isulong ang “organic farming” ay nanatili saan man siya dalhin ng tadhana.

Si Layson ang isa sa unang nagturo sa Metro Manila ng pagtatanim kahit sa mga bote ng softdrinks, bote ng mineral water, paso, sako, timba at iba pang patapon na bagay.

“Food security starts at home,” ani Layson.