TGP

Triskelion, pulitiko pinatatag diwa ng pagkakapatiran, pakikipagkaibigan

Mar Rodriguez Oct 28, 2026
23 Views

BUMISITA ang Triskelion Council of North Caloocan kay House Deputy Majority Leader at TGP Partylist Rep. Bong Joson Teves Jr. para patatagin ang diwa ng pagkakapatiran, pakikipagkaibigan, paggalang sa isa’t-isa at pagkakaisa ng mga kasapi sa Triskelion.

Pinangunahan ni Chairman Jasser AI Naturales, kasama ang mga opisyal ng konseho at kapatid na Triskelion na si PLt. Col. Lowell Montes Atienza, ang pagbisita kay Cong. Teves.

Layunin din ng pagbisita na patatagin ang ugnayan sa pagitan ng TGP Party-list at ng mga organisasyong pangkomunidad na may iisang hangarin na makatulong sa kapwa at makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa publiko.

Ayon Cong. Teves, nananatiling bukas siya sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang organisasyon at mga lider ng komunidad na nagsusulong ng mga programang magbibigay-kapangyarihan at nagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng mga ganitong ugnayan, inaasahang mas mapalalakas ang pagtutulungan ng mga organisasyon at mga lingkod-bayan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Isinusulong ng TGP Partylist ang pagpapatatag ng mga ugnayan sa mga sektor ng lipunan bilang bahagi ng layuning mailapit ang mga programa at serbisyo sa mga komunidad.