Car Nagbigay ng pahayag si Police Major Joel Aquino kaugnay sa nangyaring bangaan sa kahabaan ng Osmeña Highway. JONJON C. REYES

Kotse bumangga sa pedicab, elf truck, estudyante sugatan

Jon-jon Reyes Oct 28, 2026
28 Views

Car1Car2Car3INOOBSERBAHAN ng mga mangagamot ang isang 22-anyos na estudyante matapos sumalpok ang kanyang minamanehong Chevrolet AVEO/Sedan sa nakaparadang elf truck at pedicab sa kahabaan ng Osmena Highway corner San Andres Street, Malate, Maynila,Miyerkoles ng madaling araw.

Nakilala ang nagmamaneho ng kotse na si alyas “Zehdrick”, binata, estudyante, at nakatira sa Everlasting St., San Antonio, San Pedro, Laguna.

Ang may-ari ng pedicab ay nakilalang si “Richmon”, 47, nakatira sa 2313 Jacobo St., San Andres, Maynila.

Inaalam pa kung sino ang driver ng elf truck.

Ayon kay Police Major Joel Aquino, ng MPD Traffic Enforcement Unit, bandang 2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Ayon sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng Chevrolet AVEO Sedan (UMI 171) ang kahabaan ng southbound lane ng President Osmena Highway sa Malate ng lumihis ito pakanan sa may San Andres Street.

Tumama ito sa pedicab at elf truck.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, ang elf truck ay naitulak pasulong at sumalpok sa poste.

Nagtamo ng pinsala ang driver ng sedan at isinugod ng ambulansya ng MDRRMO sa Manila Doctors Hospital upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.

Nagtamo rin ng pinsala na hindi pa matantiya ang halaga ang lahat ng sasakyang sangkot.