Suspek Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz ang binatang suspek na nahulihan ng 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P408,000.

Binata pasok sa selda dahil sa P408K droga

Jon-jon Reyes Oct 29, 2026
22 Views

SWAK sa rehas na bakal ang 25-anyos na binata sa buy-bust ng mga operatiba ng MPD matapos masabat ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P408,000 sa Ortega kanto ng Kasipagan St., Brgy. 33, Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas Totoy, binata, walang trabaho at residente ng Kasipagan St., Brgy. 33, Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Gilbert Cruz, commander ng MPD Moriones Police Station 2, bandang alas-2:20 ng madaling araw nahuli ang suspek nina PLt. Mermel Avenilla katuwang ang MPD PS-2 SDEU sa pamumuno ni PMaj. Jade Christian Dela Torre sa coordination sa PDEA.

Nasabat ang sobre na naglalaman ng isang P1,000 kasama ang ilang piraso ng boodle money, isang supot na itim at 5 shabu sachets na humigit-kumulang 60 gramo.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Moriones Police Station Custodial Facility.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay nasa pangangalaga ng PNP-DEG, SOU-NCR para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.