Scammer NCRPO OIC P/BGen .Christopher Abrahano

Abrahano nagbabala vs scammer na nananakot gamit ‘AI’

Edd Reyes Oct 29, 2026
27 Views

NAGBABALA ang NCRPO labam sa pagdami ng nabibiktma ng scammers na gumagamit ng AI assisted impersonation upang makapangtangay ng salapi sa mabibiktima.

Ayon kay NCRPO OIC P/BGen .Christopher Abrahano, gumagamit na ang mga scammers ng teknolohiya ng AI upang takutin at makumbinsi ang bibiktimahin na totoo ang pangyayari upang makakuha ng salapi, alahas o anumang mahahalagang gamit. Pananakot at agarang pag aksiyon ang ginagamit na paraan ng mga scammers upang mamanipula ang mga biktima.

“Scammers know how to weaponize fear. They may claim that a loved one is hurt, demand immediate payment, or imitate someone you trust. Huwag magpadala sa takot. Before giving money, sharing information, or following instructions, verify the situation first. That simple step can stop you from becoming a victim,” pahayag ni PBGen. Abrahano.

Kabilang aniya sa raket ng mga scammera ang dugo-dugo modus at bundol scams na ginagamitan ng pananakot upang makapangikil ng salapi sa bibikti.ahin.

Ayon sa NCRPO, marami ng gumagamit ng AI sa panloloko sa mga biktima dahil nagagawa nilang i-clone pati boses at kaanyuan ng kaanak ng biktima upang makumbinsi na totoo ang pangyayari

Binigyang diin nI BGen. Abrahano ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng publiko lalu na ngayong Undas at kapaskuhan kung saan marami ang bumibiyahe, namimili, at nakikipag transaksiyon sa online na nagbibigay ng oportunidad sa mga scammers na makapanlinlang at makahuthot ng salapi sa mabibiktima.

“Not every familiar voice is genuine, and not every emergency message is true. Teach your family to recognize these warning signs. Hindi lahat ng mukhang totoo ay dapat paniwalaan. When in doubt, verify before you act,” paalala pa ng NCRPO chief.