Pic

Binata siningil sa P100K na utang, 3 tao minartilyo

Jon-jon Reyes Oct 30, 2026
29 Views

Pic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6Pic7Pic8INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang dayuhang lalaki matapos hatawin ng martilyo dahil umano siningil ang suspek ng utang nitong P100,000 Miyerkulos ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Namartilyo din ang kapatid na babae ng biktima at 62-anyos na live-in housemaid ng mga biktima. Ang insidente ay naganap sa loob ng isang apartment sa Visayan Avenue corner Masbate St., Brgy 567, Zone 57.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ron”, binata, 20 ,at residente ng Alonzo St., Bgy. 299, Zone 103, Sta. Cruz. Kaibigan umano ito ng biktima.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Gursiman Singh, US citizen, binata, 26, tubong Mandaluyong City, walang trabaho at residente ng Visayan Avenue corner Masbate St., Brgy 567 Zone 57 Sampaloc, Manila.

Nasa kritikal na kondisyon sa ospital si alyas Gurparabjot, US citizen, babae, 23, walang trabaho.

Ang isa pang biktima na ginagamot sa ospital ay nakilalang si alyas “Rebecca”, 62, tubong Cagayan, stay-in housemaid ng mga biktima.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Batay sa paunang imbestigasyon at salaysay ng dalawang babaeng biktima, nasa unang palapag sila ng kanilang tirahan nang makarinig sila ng ingay mula sa silid ng lalaking biktima sa ikalawang palapag kung saan andun din ang suspek.

Pagdating sa silid, natuklasan nilang nakakandado ang pinto.

Biglang umanong binuksan ng suspek ang pinto mula sa loob, at paulit-ulit na hinampas ng martilyo ang ulo ng ulo. Nang mamagitan ang kapatid na babae ng lalaking biktima ay hinampas rin ito umano ng martilyo ng suspek.

Tumakas ang suspek ngunit hinabol ito ng isa sa biktima habang humingi naman ng tulong ang lola.

Hinabol ng mga kapitbahay ang suspek at ginulpi.

Samantala, dinampot ng nagpapatrolyang pulisya ang suspek at dinala sa Sampaloc Police Station para sa kaukulang proseso at karagdagang imbestigasyon.

Ayon sa dagdag na impormasyon, kaibigan ng lalaking biktima ang 20-anyos na suspek.

Sinisingil daw ng biktima ang suspek sa utang nitong P100,000 sa kanyang kapatid na babae. Nagalit umano ang biktima at pinaghahataw ang tatlo ng martilyo.

Nahaharap sa tatlong bilang ng frustrated murder ang natimbog na suspek.