Patrick1 Larawan: Patrick Stewart/FB

86-anyos na star ng Star Trek pumanaw na

26 Views

PUMANAW na sa edad na 86 ang beteranong British actor na si Sir Patrick Stewart, kilala sa pagganap bilang Captain Jean-Luc Picard sa seryeng Star Trek at Professor Charles Xavier sa pelikulang X-Men.

Kinumpirma ng kaniyang tagapagsalita na si Kelly Bush Novak ang balita sa pamamagitan ng pahayag na inilabas sa social media account ng aktor. Pumanaw si Stewart noong Miyerkules, Oktubre 28, sa kaniyang tahanan sa Los Angeles, California, matapos ang maikling pakikipaglaban sa Alzheimer’s disease at Lewy body dementia.

Mahigit anim na dekada ang naging karera ni Stewart sa teatro, pelikula at telebisyon. Nagsimula siyang makilala sa Royal Shakespeare Company bago sumikat sa buong mundo bilang si Captain Picard sa Star Trek: The Next Generation at Professor X sa Marvel’s X-Men franchise.

Bukod sa pag-arte, nakilala rin siya sa pagsusulong ng karapatang pantao, pagtulong sa mga biktima ng karahasan sa tahanan, mga refugee, beterano at kapakanan ng mga hayop.

Sa kaniyang huling mensahe, hiniling ng pamilya na sa halip na magpadala ng bulaklak, maaaring magbigay ng donasyon sa Johns Hopkins Alzheimer’s Disease Research Center Fund o Alzheimer’s Foundation of America.