Gatchalian

Gatchalian: Tiyakin seguridad ng mga biyahero ngayong Undas

27 Views

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga local government unit (LGU) at mga awtoridad na higpitan ang seguridad para sa mga biyahero ngayong mahabang weekend ng Undas.

Inaasahang magsisikip ang mga expressway, pangunahing kalsada, bus terminal, paliparan at pantalan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Kaya ayon kay Gatchalian, dapat palakasin ang mga security protocol para sa kaligtasan ng lahat ng biyahero.

Pinaalalahanan din niya ang mga motorista na maging disiplinado, mapagpasensya at magalang sa kalsada.

“Alam na natin na marami talaga ang magba-byahe sa mga panahon na ito, huwag nating pairalin ang init ng ulo at maging magalang sa mga kapwa natin motorista,” ani Gatchalian.