US

Tapang ng Cebu guerrillas ipinakita ng embahada ng Pilipinas, MWO sa Washington, D.C.

35 Views

US1US2

SIGAW ng kabayanihan at damdaming makabayan ang nangibabaw sa Washington, D.C. matapos ipalabas ng embahada ng Pilipinas at Migrant Workers Office (MWO) ang Unsurrenrdeed 3: The Koga Papers and Cebu Guerrillas para sa pagdiriwang ng Filipino-American History Month.

Ang nasabing pelikula—na obra nina Miguel “Lucky” Guillermo at Spyron AV Manila Productions—ay niyanig ang damdamin ng mga manonood habang ipinakikita ang matinding tapang ng mga gerilyang Cebuano noong World War II.

Itinampok din dito ang kontrobersyal at malupit na kuwento sa likod ng Koga Papers—mga secret document ng Imperial Japanese Navy–na naagaw ng ating mga bayaning gerilya na naging susi sa tagumpay ng Digmaan sa Pasipiko.

Dinaluhan ang screening ng mga guro mula sa United Federations of Fil-Am Educators (UNIFFIED) at Association of International Dynamic Educators (AIDE), Inc. upang mag-alay ng respeto at parangal sa walang-tawad na sakripisyo ng ating mga ninuno para sa kalayaan.