Calendar
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Swak sa kulungan noong Linggo ang isang isang magsasaka na may dalawang kaso matapos posasan ng mga kapulisan sa Brgy. Sabang, Tuy, Batangas, ayon kay provincial director PCol. Oliver Ebora.
Nakilala ang naarestong suspek sa alyas na Jessie, 41-anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.
Bitbit ng mga pulis ng Tuy Municipal Police Station sa pamumuno ni Col. Ebora ang mga Warrant of Arrest mula sa RTC Branch 10 ng Balayan, Batangas para sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Mabilis na binasahan ng Miranda Doctrine at Anti-Torture Act rights ang suspek habang naka-tutok ang Alternative Recording Device (ARD) ng mga awtoridad para sa malinis na dokumentasyon ng operasyon.
