Sotto

MTRCB inilabas rating para sa sci-fi, action, romcom movies, pati live viewing concert

52 Views

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga rating para sa mga pelikulang sci-fi, action adventure at romantic comedy at pati live viewing ng mga concert na ipapalabas ngayong unang linggo ng Nobyembre.

Ayon kay MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, ang mga rating ay mula PG (Parental Guidance) hanggang R-16.

“Buhay na naman ang takilya nitong weekend dahil maraming mapagpipilian ang ating mga manonood. Paalaala lang, i-check muna natin ang rating para siguradong pwede rin ang sineng napupusuan para sa mga batang kasama sa panonood,” sabi niya.

Ang “Buddy,” isang Filipino-produced na family drama na pinagbibidahan nina Michael de Mesa, Benjie Paras, EA Guzman, Elijah Canlas, Elisse Joson, Empoy Marquez at Shaira Diaz, ay nakakuha ng PG rating dahil sa mature content.

“The film explores family relationships, parental responsibility, emotional neglect, trust, forgiveness and the importance of communication within the household. These themes may encourage meaningful family discussion,” sabi ng MTRCB.

Ang “Godzilla Minus Zero,” ang 39th feature sa Godzilla franchise, ay rated PG dahil sa “minimal and non-graphic depiction of violence and sufferings and themes.” Bida rito sina Ryunosuke Kamiki at Minami Hamabe.

Ang “Ramayana: Rise of a Legend” ay may PG rating. Halaw ito sa Indian epic at eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas. Tampok dito sina Ranbir Kapoor, Ravi Dubey, Sai Pallavi at Sunny
Deol.

Nagbabala ang Ahensiya sa mga magulang na hindi angkop sa mga bata ang mga sequence ng karahasan at aksyon nito. Ang pelikula ay mayroong “mythological themes involving war, vengeance, sacrifice, and destiny, with strong action, battle scenes, peril and some bloody images.”

Tampok sa “The Cat in the Hat” ang mga boses nina Bill Hader, America Ferrera at Xochiti Gomez. Base ito sa children’s book ni Dr. Seuss at ito ay rated PG bilang isang “epic fun (mis)adventure with mild animated action, peril, mischief and mayhem.”

Ang “EXO PLANET #6 – EXhOrizon [dot]” ay live viewing ng concert ng tanyag na South Korean-Chinese band sa Nobyembre 8. Ito ay rated PG.

Ang “Stray Kids World Tour,” isang ring live viewing ng concert ng sikat na South Korean boy band sa Nobyembre 7, ay may PG rating at mapapanood lamang sa SM Cinemas.

Ang “Paradise Lost,” isang South Korean psychological thriller, ay rated R-13 dahil sa mga thematic element ng kidnapping, murder at suicide. Bida rito si Kim Hyun-joo.

Ang “Wicker,” isang romantic comedy na tampok sina Alexander Skarsgard, Olivia Colman at Elizabeth Debicki, ay binigyan ng R-13 rating dahil sa “discreet, infrequent, brief and non-graphic depictions of sexual activity, strong language and absurd humor.” Ito ay mapapanood lamang sa SM Cinemas.

Samantala, ang “Hellhound,” isang 2024 action movie kung saan bida sina Louis Mandylor, Panya Yimmumphai at Vithaya Pansringarm, ay rated R-16 dahil sa “graphic but non-gratuitous depictio
of violence and gore.”

Eksklusibo itong mapapanood sa Megaworld Cinemas. Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.

Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.