Calendar
Nagbigay ng pahayag si Police Lt. Col. Norman Patnaan, hepe ng MPD Malate Police Station 9, kaugnay ng isinagawang lektyur at Information, Education, and Communication (IEC) sa mga sekyu upang makaiwas sa krimen sa eskwelahan. JONJON C. REYES
Parak tinuruan mga sekyu tugunan shooters, krimen sa paaralan


NAGKAROON ng lektyur sa pag-iwas sa krimen at simulation exercise para sa iba’t-ibang emergency sa paaralan sa 5th floor auditorium ng Taft campus ng De La Salle-College of Saint Benilde noong Biyernes.
Ang nasabing pagtuturo ay pinangunahan ni PLt. Richie Dela Cruz, chief ng SCADS, sa pamumuno ni PLt. Col. Norman Patnaan, station commander ng MPD Malate Police Station 9.
Ang lektyur ay tungkol sa mga insidente ng active shooters. Namahagi ng mga materyales ng Information, Education, and Communication (IEC) na naglalaman ng mga payo sa pag-iwas sa krimen.
Nagsagawa rin ng simulation exercise na nakatuon sa mga insidente ng active shooter na nilahukan ng 43 security officers na binigyan ng mahahalagang kaalaman at mga praktikal na hakbang pangkaligtasan kung paano tumugon sa active shooter.
Ang inisyatibong ito ay suporta sa PNP School Safety and Community Partnership Framework na nagsusulong ng kolaboratibong pamamaraan sa pagitan ng pulisya, mga institusyong pang-edukasyon, mga pamilya at mga komunidad upang makabuo ng ligtas at panatag na kapaligirang pag-mag-aaral na angkop sa mga bata.
Tagumpay ang aktibidad para sa kamalayan at kahandaan ng mga security officer sa pagtugon sa mga insidente ng active shooter at iba pang posibleng emergency sa paaralan.
Sinabi ni Lt. Col. Patnaan na ang lektyur at SIMEX ay nagpatibay sa kanilang pag-unawa sa mga tamang pamamaraan ng pagtugon sa emergency, at binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon at kooperasyon sa pulisya at administrasyon ng paaralan.

