Cultural

Konsulado Heneral ng Pilipinas dumalo sa Filipino Cultural Activity 2026

42 Views

Cultural1Cultural2Magsombol

ANG Konsulado Heneral ng Pilipinas, na kinatawan nina Konsul Ella Karina Mitra-Yeager at Cultural Officer Mary Joy Duran-Mortel, ay dumalo sa Filipino Cultural Activity 2026 na may tema na “Rhythm of the Islands: From Heritage to Pop,” noong Nob. 6 sa Black Box Theatre ng Walter Henri Dyett High School for the Arts.

Sa pangunguna ng mga gurong Pilipino mula sa Chicago Public Schools, tinalakay sa pagdiriwang ang ebolusyon ng musika, sayaw at mga tradisyong kultural ng mga Pilipino patungo sa mga makabagong anyo.

Lumahok online ang mga mag-aaral mula sa University of Rizal System at naging bahagi ng palitan ng kaalaman.

Nagbahagi ang mga mag-aaral na Pilipino tungkol sa format ng kanilang klase sa agham at ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Walter Henri Dyett High School for the Arts ang kanilang mga talento sa musika at sayaw.

Pinagsama-sama ng kaganapan ang mga kinatawan mula sa CPS, pati na rin ang mga punong-guro at mag-aaral mula sa iba’t-ibang distrito ng paaralan sa buong Chicago.

Nagtapos ito sa isang pagtatanghal ng sayaw na nilahukan ng mga guro mula sa CPS ng punongguro ng paaralan at mga mag-aaral.