Sunog2

Sunog sumiklab sa Tondo; 140 pamilya naabo bahay

Jon-jon Reyes Nov 7, 2026
41 Views

SunogSunog1SUMIKLAB ang sunog sa Tioco St., Brgy. 91, Tondo, Maynila Sabado kung saan 70 istruktura ang nasunog at 140 na pamilya ang naabo ang tahanan.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog bandang alas-3:25 ng madaling araw.

Nagtungo sa fire scene sina PSSg Robles at Pat Bacsal ng Pritil PCP MPD Station 1 upang bigyang seguridad ang lugar at maiwasan ang kriminalidad sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang tirahan sa 1933 Tondo St., Brgy 91, Tondo na itinaas sa 1st alarm bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Gawa lang sa kahoy ang mga kabahayan at agad na umakyat sa 2nd alarm bandang alas-3:50 ng madaling araw.

Nakontrol ang sunog ganap na alas-4:50 ng umaga at idineklarang fire out bandang alas-6:10 ng umaga, ayon kay F/CInsp. Demetrio Sablan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng sunog at kung magkano ang damage sa pag-aari.