MPD2

Kamalayan, pagbabantay sa paaralan vs bomb threat, ibang banta pinalakas ng pulis

Jon-jon Reyes Nov 7, 2026
102 Views

MPDMPD1BUMISITA sa mga paaralan ang mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct sa pamumuno ni PMaj. Brian Tambole sa pangangasiwa ni PLt. Col. Jervie Alfonso, station commander ng Ermita Police Station, para isulong ang kamalayan at palakasin ang pagbabantay sa mga paaralan.

Layunin din ng pagbisita na mapanatiling ligtas ang mga paaralan at naglagay ng mga tarpaulin tungkol sa bomb threats sa Colegio de San Juan de Letran, Manila High School, MAPUA University, Lyceum of the Philippines at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, Maynila,

Layunin ng inisyatibong ito na itaguyod ang kamalayan hinggil sa Presidential Decree No. 1727 (Anti-Bomb Joke Law) at turuan ang komunidad ng paaralan tungkol sa mga kahihinatnan ng paggawa ng mga huwad na banta ng bomba.

Gusto din nito hikayatin ang pagiging mapagmatyag at pakikipagtulungan upang maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa mga banta ng bomba.